Talunin Ang Adiksyon

Ang Totoong Ikaw

Mayroon ka bang mga kinaugaliang bagay na mahirap alisin kahit na sinubukan mo ng gawin ang lahat? May adiksyon ka ba sa mga bagay na unti-unti kang sinisira? Feeling mo ba nawawalan ka na ng pag-asa?

Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang tanggalin ang mga adiksyong bumibihag sa atin. Kung tinanggap mo si Cristo bilang iyong Tagapagligtas, ibig sabihin ang Kanyang Espiritu ay naninirahan sa’yo. Siya ay totoong nangangalaga sa’yo! Gusto Niya na tayo ay maging buo at malusog sa pisikal na katawan natin. Kahit ano pa mang adiksyon ang iyong pinaglalabanan, kaya ni Jesus na bigyan ka ng pag-asa sa panibagong simula.

Maging totoo ka sa sarili mo.

Una, kailangan nating aminin na mayroon tayong problema at hindi tayo puwedeng magpatuloy ng ganito. Pangalawa, tanggapin natin na kailangan natin ng tulong mula sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa atin. Hindi natin ito kaya sa ating sarili lamang.

Sinabi ng Diyos na maaari tayong lumapit sa Kanyang trono upang humingi ng tulong sa panahong kailangang-kailangan natin. Hindi Niya tayo iiwan sa oras ng ating kahinaan. Hindi Niya tayo pababayaan kailan man. Kung sa pakiramdam mo ikaw ay bihag ng kasalanan at adiksyon, tandaan mo na ang Diyos ay palagiang nagpapalaya ng mga bihag. Hingin mo sa Kanya na palayain ka Niya. Kaya ka Niyang palayain!

Tandaan mo: Mapagtatagumpayan natin ang adiksyon sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu.

Ang gusto Niyang gawin:

  • Bigyan ka ng kapangyarihan upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok.
  • Bigyan ka ng karunungan upang makapili ng tamang desisyon.
  • Magdala ng mga tao sa iyong buhay upang palakasin ka.

Pag-isipan:

  • Anong maling kinaugalian ko ang mahirap alisin?
  • May mga adiksyon ba ako na pumipigil sa akin upang ako’y maging ganap?
  • Kaya ko bang magpakumbaba sa Diyos at hinging tulungan ako na maputol ang mga maling bagay sa aking buhay?
  • Anong ibig sabihin na ako’y palalakasin ng Banal na Espiritu?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • John 10:10
  • John 8:34-36
  • James 5:16
  • Hebrews 4:15-16
  • Luke 4:18

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Addiction
Size: 0.65 MB

Tagalog

Adiksyon
Size: 0.60 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *