
Sino Ang Masusunod?
Perspektibo
Nakakita ka na ba ng batang naglalaro ng mga laruan niyang truck sa buhangin, pagkatapos ay bigla siyang dumakot ng buhangin at isinubo ito?
Kung ikaw ay nandoon, mapapasigaw ka nang, “Huwag!! Huwag mong kainin ‘yan!” Kahit na ba umiyak siya at magwala, dahil hindi mo pinayagang gawin niya ang gusto niya, hindi pa rin magbabago ang desisyon mo.
Alam mo kasi ang ginagawa mo, kung ano ang mabuti para sa kanya.
Bilang matanda, ang ating pag-iisip ay iba sa pag-iisip ng mga bata. Maaaring para sa atin malinaw na mali ang isang bagay, pero para sa kanila, hindi talaga nila ito maiintindihan.
Hindi lahat ng maganda sa paningin ay talagang maganda. Dahil ang Diyos ay all-knowing, mayroon Siyang ibang pananaw para sa ating buhay at mga mas magandang pagpipili kaysa sa atin.
Hindi naman ibig sabihin na lahat ng ginagawa natin ay ‘masama’, ngunit maaaring gusto Niyang palitan ang ating ‘maganda’ sa ‘the best’ na mayroon Siya para sa atin. Ang gusto talaga ni Jesus ay para sa ikabubuti natin. Ang dahilan kung bakit binigyan Niya tayo ng mga rules mula sa simula ay dahil mahal Niya tayo at gusto Niya ang “pinaka the best” para sa ating buhay.
Bagong Pananaw
Hindi natin madalas nare-realize na:
· Mas maraming alam ang Diyos kaysa sa atin
· Ang Kanyang mga batas ay para sa ikabubuti natin
· Gusto Niya ang ‘pinaka the best’ para sa atin
Ang pagsunod kay Jesus ay maaaring mahirap minsan, ngunit ito ay paraan para maipakita nating mahal natin Siya. Kapag tinignan mo ito sa ganitong paraan, ang Kanyang mga utos ay hindi naman pala mabigat. Bagkus, ito ay mga blessings sa ating buhay.
Tandaan mo: Kung susundin mo Siya, maglalakad ka sa mga the best na daanan para sa iyong buhay.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Gabayan ka sa pinaka the best na daanan sa iyong buhay
- Bigyan ka ng kapayapaan, pag-asa at kinabukasan
- Pagpalain ka sa tuwing ikaw ay sumusunod sa Kanya
Pag-isipan:
- Sino ang susundin ko ngayon? Ang sarili ko ba o ang Diyos?
- Gagawin ko ba ang gusto ko o ang nais ng Diyos para sa akin?
- Nilalabag ko ba ang Diyos sa alin mang area ng buhay ko? Kung oo, hihingi ba ako ng tawad at pipiliing sundin Siya sa alin mang area?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
- Psalms 32:8-10
- John 10:10
- James 1:22
- John 14:15
- Luke 11:28
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)
Download
Download our free Bible lesson guide to study this topic further!
English

Tagalog
