Thumbnail

Ipanganak na Muli

Mayroon nang nagmamahal sa’yo!

Mahal ka ng Diyos. Tinatanggap Niya sa Kanyang espirituwal na pamilya, ang lahat ng naniniwala at tumatanggap kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang pagsilang ay napakahalagang bahagi ng buhay. Tayo ay ipinanganak upang maranasan ang buhay sa mundo, at ganun din ipinapanganak tayo sa espiritu upang maranasan ang kaharian ng Diyos. 

Posible ito.

Ang bagong kapanganakan sa espiritu ay posible lamang sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ito’y mangyayari kapag tayo’y maniniwala kay Jesus at sa Kanyang kamatayan, pagkalibing at muling pagkabuhay. Kailangan natin Siyang tanggapin bilang Tagapagligtas at Panginoon ng ating buhay. 

Tayo ay nalilinis, pinapatawad, at pinagpapala dahil ang katuwiran ni Jesus ay ibinibilang na rin sa atin. Pinapalitan Niya ang lahat ng kasamaan natin at nagbibigay Siya ng bagong buhay!

Tandaan mo: Ang “ipanganak na muli” ay ang pagsuko ng ating puso at buhay kay Jesus, at binibigyan Niya tayo ng bagong espirituwal na buhay.

Ang gusto Niyang gawin:

  • Mabigyan ka ng muling pagsilang sa espirituwal, gawing bago ang lahat.
  • Bigyan ka ng bagong pangalan, bagong pagkatao, at bagong pagkakakilanlan bilang Kanyang anak.
  • Kupkupin ka sa Kanyang pamilya.
  • Bigyan ka ng napakagandang pamana ng buhay na walang hanggan sa langit.

Pag-isipan:

  1. Ano ang ibig sabihin ng “ipanganak na muli”?
  2. Ang ipanganak na muli ay Biblikal. Hindi ito sa pagiging bahagi ng isang organisasyon o sekta. Ito ay espirituwal na kapanganakan. Nais mo bang ipanganak na muli?
  3. Sinabi ng Biblia, “Wala na ang dating pagkatao – napalitan na ng bago.” (2 Corinto 5:17) Ano ang iyong “dating pagkatao”? Bilang isang Kristyano, ano ang iyong “bagong pagkatao”?
  4. Bilang kabahagi ng pamilya ng Diyos, tayo ay Kanyang tagapagmana. Ano ang “mana” na ating matatanggap?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • John 3:16,17
  • 1 Peter 1:23
  • John 3:3-7
  • Ezekiel 36:26
  • 2 Corinthians 5:17

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Born Again
Size: 0.65 MB

Tagalog

Ipanganak Na Muli
Size: 0.64 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *