Gaano Ka Katatag?

Gaano Ka Katatag?

Gusto man natin…

Gusto man natin o hindi, mayroon talagang mga bagyo sa buhay. Nakatakda na. Halimbawa ang isang puno. Ang ugat ng isang puno ay napakahalaga.

Hindi makaka-survive ang isang puno, kung wala siyang malalim na root system. Dahil ang mga ugat na ito ang nagbibigay ng nourishment sa puno, at ito ang matibay niyang pundasyon. Katulad din sa atin. Ang mga taong natanim ng malalim sa Panginoon at sa mga kapwa nilang Kristyano, ay magsu-survive din sa mga bagyo ng buhay.

Pag-isipan mo.

Ano ang nagpapatatag sa’yo upang ikaw ay manatiling nakatayo?

Kailangan nating manatiling tapat sa Diyos. Hayaan nating i-develop Niya tayo ayon sa Kanyang mabuting plano. Nangako Siya sa atin na Siya ang nagsimula ng mabuting bagay sa buhay natin, at patuloy Siyang magiging tapat hanggang sa wakas.

Nililinang Niya tayo araw-araw upang maging katulad Niya. Ginagawa Niya tayong Kanyang masterpiece at nalulugod Siyang gawin ito.

Huwag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa.

Maaari mong gawin ang mga bagay sa pamamagitan Niya, dahil palalakasin ka Niya!

Tandaan mo: Ang Diyos ang iyong dakilang encourager. Sinimulan ng Diyos ang mabuting bagay sa iyo at tapat Siya para tapusin ito.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Palakasin ka para magpatuloy
  • Likhain ka upang ikaw ay maging magandang masterpiece
  • Ipakita na lagi Siyang naririyan hanggang sa pinakamalakas na bagyo ng buhay.

Pag-isipan:

  • Ano ang quality ng aking “root system”?
  • Paano ako mananatiling malakas sa mga bagyo ng buhay?
  • Magiging tapat ba ako na sundin ang Diyos kapag nahihirapan na ako?
  • Paano ako nade-develop ng Diyos?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Psalms 92:12
  • Philippians 1:6
  • Colossians 2:7
  • Philippians 4:13
  • Ephesians 2:10

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

How Strong Are You?
Size: 0.71 MB

Tagalog

Gaano Ka Katatag?
Size: 0.69 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *