
Malaya Ka Ba?
Panibagong Simula sa Kalayaan
Ang kalayaan ay isang bagay na ating pinahahalagahan. Ito’y pangunahing pangangailangan ng tao. Marami ang nagsakripisyo ng buhay para sa kanilang kalayaan.
Ngunit sa kasamaang palad, ang bawat isa ay isinilang sa mundong may likas na kasalanan na siyang nagbibilanggo sa ating buhay. Ang tunay na kalayaan ay nagsisimula sa kalooban na may buong pusong naghahanap sa Diyos.
Mula sa pagkakagapos…
Kaya ni Jesus na tayo ay palayain mula sa pagkakagapos ng kasalanan – anuman ang ating kinakaharap. Makakapagsimula tayo ulit… sa Kanya!
Kung Siya’y ating hahanapin – masusumpungan natin Siya, at tayo’y Kanyang palalayain mula sa pagkakabihag.
Sa Kanya tayo makakapagsimula ulit. Sinabi ni Jesus, “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo”. Kung pinalaya ka ng Anak, ikaw ay tunay nang malaya. (Mula sa Juan 8:32-36)
Gusto mo bang maging malaya?
Tandaan mo: Ang tunay na kalayaan ay nagsisimula sa kalooban na may buong pusong naghahanap sa Diyos.
Ang gusto Niyang gawin:
- Mapalaya mula sa pagkakabilanggo sa kasalanan, kung isusuko mo ang iyong buhay sa Kanya.
- Mapanumbalik ang iyong pagkakakilanlan bilang anak ng Diyos.
- Turuan kang mamuhay sa kalayaan na Kanyang ibinibigay.
Pag-isipan:
- Ano ang inaasam ng iyong puso? Kapayapaan? Pag-ibig? Pagtanggap?
- Sa buhay mo, saan ka nagnanais ng kalayaan? (Mula ba sa takot, pagkagapos, kalungkutan, kawalan ng pag-asa, adiksyon, kasalanan, atbp.?)
- Ano ang susi para mapanatili ang matagalang kalayaan?
- Noong maranasan mo ang pagmamahal ng Diyos sa’yo, paano ka nabibigyan ng kalakasan para sa paghahanap ng kalayaan?
- Paano ka makakalapit sa Diyos ng buong puso?
Hayaang mangusap sa’yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
- 2 Corinthians 3:17
- Jeremiah 29:13,14
- James 4:8
- Psalm 73:28
- Isaiah 61:1-3
- Isaiah 49:9
- Isaiah 43:18-19
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)
Download
Download our free Bible lesson guide to study this topic further!
English

Tagalog
