

Kahit sino pa man ang tanungin mo, ang sagot sa tanong na ito ay pareho lang: Pamilya.
Hindi nga natin masukat ang epekto ng pamilya–partikular ang mga ama–positibo o negatibo man. Ang orihinal na disenyo ng Diyos sa pamilya ay maging lugar ng kaligtasan, kung saan ang mag-asawa ay nagmamahalan, at ang mga anak naman ay nabibigyan ng pagmamahal, pagkalinga at proteksyon. Unfortunately, imbes na makaranas ng pag-ibig, marami sa atin ang nagdanas ng sakit mula sa ating mga pamilya.
Nakita ni Jesus ang lahat ng ito at nagmamalasakit Siya higit pa sa inaakala mo.
Ang Diyos ay perpektong Ama. Kinakalinga Niya tayo dahil, una sa lahat, tayo’y Kanyang mga anak. Mahal Niya tayo ng walang makahihigit na pagmamahal.
Dahil sobra ang Kanyang pagmamahal sa atin, nais Niyang ayusin at pagalingin ang mga nasirang relasyon. Hindi Niya lamang gustong gumaling tayo kundi pati na rin ang ating mga pamilya. Gusto Niyang maranasan natin ang masaganang pagpapala sa ating pamilya.
Ang Diyos lamang ang makakakuha ng isang bagay na talagang sira na at gawin itong buo uli. Siya lang ang makakagamot ng puso ng tao. Ang mga sitwasyon na imposibleng maayos sa paningin ng tao ay posible para sa Diyos.
Lakasan mo ang iyong loob.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)