Sino Ang Sinasamba Mo?

Sino Ang Sinasamba Mo?

Lahat tayo ay may sinasamba.

Totoo ito, pansin man natin o hindi. Isa sa mga ibig sabihin ng “pagsamba” ay “mahalin o igalang (ang isang tao o isang bagay) nang sobra”. Sinasamba ng ilan ang pera. Sinasamba ng iba ang kanilang sarili o kaya ang ideal na trabaho or achievement sa buhay.

Ang tunay na sinasamba mo ay nakikita sa mga “priorities” mo–sa kung ano ang nagiging sentro ng buhay mo.

Ang pagsamba ay higit pa sa pagpunta sa malaking simbahan, pagiging religious, o ‘di kaya’y pag-awit ng mga kanta. Gusto ni Jesus ang mga awitin para sa Kanya, ngunit higit pa doon, gusto Niyang sambahin natin Siya ng nagmumula sa ating puso.

Ang Tunay Na Pagsamba

Gusto ng Diyos na mahalin natin Siya, igalang at pakasambahin Siya. Ibig sabihin nito ay Siya ang magiging number one priority natin–ang pinakamahalaga sa buong kalawakan! Kung ito’y totoo, makikita ito sa ating pamumuhay.

Tandaan mo: Sa pagsamba natin at pagtuon ng pansin sa Kanya, sinisimulan nating itayo ang ating sariling buhay sa mga bagay na tunay na mahalaga. 

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Maging sentro Siya ng ating buhay.
  • Na mahalin, igalang at sambahin natin Siya.
  • Na makita ang ating pagsamba sa Kanya sa pamamagitan ng ating pamumuhay.

Pag-isipan:

  • Sino at ano ang aking sinasamba?
  • Ang Diyos ba ang aking pinaka-priority?
  • Sinasamba ko ba ang Diyos sa mga desisyon ko?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Luke 10:27
  • John 4:23-24
  • Matthew 6:33
  • Luke 4:8

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Who Are You Worshiping?
Size: 0.55 MB

Tagalog

Sino Ang Sinasamba Mo?
Size: 0.54 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *