Dalangin

Simpleng Pag-uusap

“Hi love! Musta? I miss you! :)”

Ang mga ganitong conversations ay simple lang pero napakahalaga para sa paglago ng isang relasyon. Sa pamamagitan ng komunikasyon, naibabahagi kung ano ang ating nararamdaman, kung ano ang gusto nating mangyari, at ang mga ayaw at gusto natin. Mas nakikilala natin ng lubos ang isa’t-isa at nagsisimula tayong maibahagi ang ating puso.

Pag-isipan nating mabuti.

Paano mo makikilala ang isang tao kung ‘di ka naman nakikipag-usap sa kanya?

Dalangin

Gusto ni Jesus na magkaroon ng malalim na relasyon sa atin. Sa pamamagitan ng prayer–komunikasyon sa Diyos–maaari tayong lumapit sa Kanya at i-share ang lahat ng nasa puso natin. Palagiang panalangin ang gusto ni Jesus. Gusto Niya na kausapin natin Siya sa lahat ng nangyayari sa ating buhay. Gusto Niya tayong maging bestfriend.

Tandaan mo: Gusto ni Jesus na magkaroon ng malalim at personal na relasyon sa’yo.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Maging best friend mo
  • Makipag-communicate sa’yo bilang kaibigan
  • Ipakita sa’yo na mahal ka Niya

Pag-isipan:

  • Kung tinuturing ko si Jesus na bestfriend, paano ko Siya kakausapin?
  • Kinakausap ko ba si Jesus palagi?
  • Ano ang pumipigil sa akin para sabihin ko ang lahat ng nasa puso ko sa Panginoon?
  • Naniniwala ba ako na gusto talaga akong kausapin ng Diyos personally?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Psalms 27:8
  • 1 Thessalonians 5:17-18
  • James 4:8
  • Jeremiah 33:3
  • 1 John 5:14

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Prayer
Size: 0.55 MB

Tagalog

Dalangin
Size: 0.54 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *