Takot?

Ang pagkatakot ay nakakalumpo.

Ano ang iyong kinakatakutan? Ang takot ay familiar sa lahat. Maaari tayong matakot sa kahit na ano–pagkawala ng mahal sa buhay, kamatayan, pagkabigo, at ang mga bagay na hindi pa nangyayari.

Iniisip pa natin ang mga potensyal na senaryo tulad ng: “Paano kung may manakit sa akin?” “Paano kung may mangyari sa mga anak ko?” o, “Paano kung kamuhian ako ng pamilya ko sa matagal na panahon dahil sa ginawa ko?”

Ang mabuting balita, hindi natin kailangang mamuhay sa kahihiyan ng ating nakaraan o takot na maaaring dalhin ng bukas.

Tinawag tayo ng Diyos ng higit pa roon. Sinusubukan ng mga taong solusyonan ang takot.

Sinusubukan nilang lunurin ang kanilang takot sa pamamagitan ng mga gamot, stimulants, pagkain, barkada, entertainment o ‘di kaya’y droga. Ngunit, ang pagpapamanhid sa takot ay hindi maganda o permanenteng solusyon.

Ang makapagpapalaya mula sa takot na bumibihag sa’yo, ay ang bagay na mas malaki sa lahat ng takot na iyan.

Ang Diyos ay mas malaki sa ating takot.

Sa totoo lang, sinabi ng Biblia na ang perpektong pag-ibig ng Diyos ay “nag-aalis ng pagkatakot”. Kung alam natin na ang Makapangyarihang Diyos ay nasa atin, hindi na tayo matatakot. Sinabi Niya na nasa panig natin Siya at hindi Niya tayo iiwan kailanman.

Ang pag-ibig Niya sa atin ay hindi nagbabago base sa ating nakaraan, kasalukuyan at hinaharap. Ito’y wala ring kondisyon–hindi nakabase sa ating gawa.

Piliin mo ang katotohan na ang Diyos ay para sa’yo–hindi laban sa’yo. Palagian Siyang nariyan sa tabi mo, at walang makapaghihiwalay ng pag-ibig Niya sa’yo.

Tandaan mo: Kapag ikaw ay natatakot, piliin mong magtiwala sa Diyos. Tandaang palagi mo Siyang kasama. Siya ay mas makapangyarihan sa kaysa anumang takot.

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • Bigyan ka ng kapayapaan sa naguguluhan mong puso at isip.
  • Pawalain ang anuman at lahat ng takot na mayroon ka.
  • Balutin ka ng Kanyang presensya.

Pag-isipan:

  • Anong mga bagay ang kinakatakutan ko?
  • Papaanong ang aking takot ay nakakaapekto sa aking buhay at gayundin sa aking mga desisyon?
  • Hahayaan ko bang ang presensya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig ay ang magpapalaya sa akin mula sa takot?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Hebrews 13:6
  • Psalm 23:4
  • Isaiah 41:10
  • 1 Peter 5:7
  • Philippians 4:6-7

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Scared?
Size: 0.65 MB

Tagalog

Takot?
Size: 0.58 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *