

Ang istorya patungkol kay Jesus ay ang istorya na maaaring magbago ng buhay kung atin itong mauunawaan!
Ito ang simpleng paliwanag: Si Jesus, ang Banal na Anak ng Diyos na kailanma’y hindi nagkasala, ay namatay sa krus. Siya na walang anumang kasalanan ay itinuring na Siya ang nakagawa ng lahat ng kasalanan ng tao. Bakit? Upang tayo ay ibilang na matuwid at walang kasalanan sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagtubos.
Gayon na lamang ang lubos Niyang pagmamahal sa atin. Hindi lamang Niya pinagbayaran ang ating mga kasalanan nang mamatay Siya sa krus, bagkus ay dinaig pa Niya ang kamatayan, at nabuhay na muli sa ikatlong araw upang bigyan tayo ng pag-asa sa buhay na walang hanggan.
Salamat sa Panginoong Jesus sa ginawa Niya para sa atin! “Hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, Siya’y itinuring na makasalanan upang maging matuwid tayo sa harapan ng Diyos” (2 Corinto 5:21).
Iyan ang Mabuting Balita!
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)