

Naranasan mo na bang ma-scam o maloko ng dahil sa pera? Talagang magagalit tayo kapag nangyari ito. Kaya bakit sasadyain nating gawin ito sa ating mga sarili?
Kung ikaw ay namumuhay ng dalawang pamumuhay–isang klase ng tao sa isang sitwasyon, at ibang tao naman sa ibang sitwasyon, ikaw ay namumuhay sa kasinungalingan. Anong sasabihin ng mga tao sa’yo kung nalaman nila kung sino ka talaga?
Ang pamumuhay ng may integridad ay isang bagay na walang sinumang makagagawa para sa’yo. Kailangang piliin mong gawin ito para sa sarili mo.
Ang salitang “integrity” ay nagmula sa salitang ugat na “integer”, ibig sabihin ay “buo”. Sa madaling salita, walang pagkakaiba sa nakikita ng publiko at sa pribadong mong buhay. Ang mga taong may integridad ay walang itinatago at walang kinatatakutan. Ang personal na integridad ay mapananaligan, totoo at namumuhay ng may matibay na paniniwala.
Ganoon tayo dapat mamuhay. Kung ikaw ay namumuhay sa katotohanan, ang mga taong nasa paligid mo ay dapat nakikita ang kasang-ayon sa iyong lifestyle. Makikita nila ang totoong ikaw sa kung paano ka namumuhay, gayun din sa iyong pagsasalita. Ang taong may integridad ay tinutupad ang kanyang sinasabi, sinusunod ang commitment at nagsasabi ng totoo.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)