Mangmang O Matalino?

Mangmang O Matalino?

Anong gusto mo?

Gusto mo bang maging mangmang o matalino? Ang pagiging matalino ay hindi lamang “pag-iwas sa gulo” o kaya naman ay “pagiging edukado, successful at mayaman.”

Maraming tao ang sinusubukang maging matalino nang hindi naman alam kung ano ang tama. Sinusunod nila ang mga popular na opinyon, at kapag nagbago ang mga opinyong ito, ang kanilang paniniwala ay nagbabago rin. Sinusubukan nilang marating ang ‘di nakikitang standard sa kanilang buhay at nag-iiba ito depende sa kung sino man ang kanilang makaharap. Tinatawag ng Bible ang mga ganitong klase ng tao na “mangmang” dahil “nadadala at naihahangin sila ng bawat bagong katuruan” (Ef. 4:14).

Wala silang matibay na pundasyon.

Kapag sinabing “pagtayo ng ating buhay sa karunungan”, ang ibig sabihin ay pagtayo natin sa siguradong pundasyon–si Jesu-Cristo. Itinuturo ng Bible kung papaanong mamumuhay sa karunungan at maisasapamuhay ang ating paniniwala sa Panginoon. Natututunan natin kung paano natin Siya maigagalang nang husto.

Ang Totoong Matalino

Ang pamumuhay sa karunungan ng Diyos ay higit pa sa kaalaman sa kaisipan. Nakikita ito sa bawat desisyon na ating ginagawa na nakalinya sa katotohanan ng Kanyang Salita. Ang opinyon lamang Niya ang tunay na mahalaga.

Ang karunungan ay hindi lamang kaalaman ng mabuti at masama. Ito’y sa pagsasagawa kung ano ang tama. Madalas ang ‘katalinuhan” ay iba sa karunungan ng Diyos. Maaaring ang salitang ito’y pagganti sa mga taong nakasakit sa’yo, pero ang itinuturo ng Diyos ay magpatawad. Inaakala natin na okay lang magalit sa ating mga kaaway, ngunit ang sinasabi ng Diyos ay mahalin sila kahit na hindi naman nila deserve.

Tandaan mo: Ang totoong matalino ay ang namumuhay ayon sa pamantayan ng Diyos, hindi lang sa kung anong popular na opinyon. 

Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:

  • I-train ka na gawin ang tama
  • Turuan ka kung ano talaga ang katotohanan
  • Ipakita ang mga praktikal na paraan para mamuhay ng ayon sa Kanyang standard.

Pag-isipan:

  • Ano ang tunay na karunungan?
  • Ano ang mga hakbang na maaari kong gawin upang lumago sa katalinuhan?
  • Ano ang kaibahan ng “karunungan” ng mundong ito at ng karunungan ng Diyos?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Proverbs 9:10
  • James 3:17-18
  • Isaiah 55:8-9
  • Matthew 7:24-27

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Foolish or Wise?
Size: 0.54 MB

Tagalog

Mangmang O Matalino?
Size: 0.54 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *