Thumbnail

Pag-ibig ng Ama

Ang unang nagmahal sa’yo…

Bago ka man maipanganak sa mundo…. Bago ka nakita ng iyong mom at dad, mayroon nang nagmamahal sa’yo… ang Diyos Ama!

Sa mundong ibabaw na ito, marami ang amang dumarating at umaalis, marami rin ang walang pakialam sa kanilang mga anak. 

Ngunit ang pag-ibig ng Diyos ay perpekto, hindi katulad ng pag-ibig ng tao na pabago-bago. 

Siya’y Mabuting Ama

Mayroon ka mang mabuting tatay sa mundo o wala – ang Diyos ang Amang nasa langit na mananatiling mabuti at tapat sa’yo. Ipinangako ng Diyos na Siya’y laging nariyan para sa’yo. Hindi ka Niya iiwan o pababayaan man. 

Mahal ka Niya ng walang pasubali – higit pa sa inaasahan mo! Ang bagong buhay kay Cristo ay nagsisimula sa Kanyang perpektong pag-ibig.

Siya ang pinakamainam na Ama. At ang Kanyang pag-ibig ay hindi mo mahahanap sa iba. Siya ang Ama na matagal mo nang inaasam. Hayaan mong yakapin ka Niya. 

Hinihintay ka lamang Niyang lumapit. 

Tandaan mo: Ang iyong Amang nasa langit ay mahal ka ng walang kapalit at panghabambuhay na klase ng pag-ibig.

Ang gusto Niyang gawin:

  • Mahalin ka ng walang kondisyon.
  • Manatili sa tabi mo magpakailanman.
  • Ipakita sa’yo na Siya’y mabuting Ama at ika’y Kanyang pangangalagaan.
  • Pagalingin ang sugatan mong puso, aliwin ka, at bigyan ka ng Kanyang kapayapaan.

Pag-isipan:

  1. Mayroon bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos? (Roma 8:38)
  2. Paano mo mailalarawan ang “walang pasubali” na pag-ibig?
  3. Mayroon pa bang iba na kaya kang mahalin magpakailanman?
  4. Paanong nagbibigay ang mabuting ama sa kanyang mga anak?
  5. Ano ang sinasabi ng mga talatang ito na maaaring makatulong upang malaman natin na iniingatan tayo ng Diyos? (Mateo 6:26,30)

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Romans 8:38-39
  • 2 Corinthians 6:18
  • 1 John 3:1
  • 1 John 4:19
  • Psalm 103:11
  • Romans 5:8
  • Matthew 6:26-30

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

The Father’s Love
Size: 0.65 MB

Tagalog

Pag-ibig Ng Ama
Size: 0.64 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *