02 Thumbnail

Mula Sa Kadiliman

Naranasan mo na bang…

Naranasan mo na bang mapunta sa dilim, ‘yung wala ka talagang makita? Kung susubukan mong lumakad baka madapa ka o ‘di kaya’y masaktan ka lamang. Ang natural na kadiliman ay mahirap, ngunit ang espirituwal na kadiliman ay mas mapanghamon. 

Nakita ng Diyos ang kalagayan ng sangkatauhan at ayaw Niyang manatili tayo sa bitag ng kasalanan. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Jesus, na nagsabing, “Ako’y naparito bilang ilaw ng sanlibutan, upang ang manalig sa Akin ay huwag manatili sa kadiliman” (Juan 12:46).

Piliing Lumapit

Tinatawag tayo ng Diyos upang maalis sa kadiliman patungo sa Kanyang kamangha-manghang liwanag. Ang liwanag na ito ay nagbibigay ng pag-asa, kagalakan at buhay na walang hanggan. Hindi na natin kailangang lumakad sa kadiliman sapagkat ang Kanyang liwanag ay may kapangyarihang tayo’y baguhin!

Gusto mo bang lumakad sa kaliwanagan?

Tandaan mo: Ang liwanag ng Diyos ay laging mas makapangyarihan kaysa kadiliman.

Ang gusto Niyang gawin:

  • Ihayag ang Kanyang sarili sa’yo. Siya ang Liwanag ng mundo.
  • Ilantad ang kasalanan sa iyong buhay at linisin ka sa pamamagitan ng Kanyang Salita.
  • Palayain ang iyong puso at isipan sa kasinungalingan ng kaaaway. Ang katotohanan ng Salita ng Diyos ang nagdudulot ng kalayaan.

Pag-isipan:

  • Ano ang espirituwal na kadiliman?
  • Mailalarawan mo ba kung ano ang “kasalanan” mula sa Santiago 4:17?
  • Ano ang mapanirang kabayaran ng kasalanan?  (Roma 3:23; 6:23)
  • Paanong ipinapakita ng Salita ng Diyos kung ano ang kasalanan?
  • Ang ating buhay ay nabago dahil sa kapangyarihan ng ebanghelyo. Malaki ang pagbabagong nagagawa ng liwanag! Isa-isahin ang mga pagbabagong ito.
  • Bakit may mga taong nananatili sa kadiliman, kung maaari naman silang lumakad sa kaliwanagan?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • 1 John 1:5,6
  • 2 Corinthians 4:6
  • John 8:12
  • James 4:17
  • Matthew 1:21
  • 1 John 1:1-5                

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Out of Darkness
Size: 0.65 MB

Tagalog

Mula Sa Kadiliman
Size: 0.64 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *