

Mahirap ba ang buhay Kristyano?
Hindi.
Sa totoo lang, ito’y imposible… kung sa ating sarili lamang.
Ito ang dahilan kaya ibinigay ng Diyos ang Banal na Espiritu. Siya ang sekreto sa pamumuhay ng matagumpay bilang isang Kristyano.
Sa totoo lang hindi mo kayang gawin ang lahat ng bagay. Kailangan mapagpakumbaba tayo para tanggapin ito. Wala sa atin ang lahat ng sagot. ‘Pag minsan kahit na gawin natin ang best natin, may kulang pa rin.
Buti na lang, hindi natin kailangang mamuhay sa ating sariling lakas bilang isang Kristyano. Ipinangako ni Jesus na kakausapin Niya ang Ama upang ipadala ang Banal na Espiritu na manirahan sa atin. Ang Banal na Espiritu ay ang pinaka-amazing na regalo ng Diyos sa atin.
Isipin mo na lang. Ang Banal na Espiritu ng Diyos ay ang parehong Espiritu na nagpabangon kay Cristo mula sa kamatayan at Siya’y maaaring mamuhay sa’yo!
Ang dakilang kapangyarihan ng Banal na Espiritu ng Diyos ay para sa’yo. Hindi mo kailangan lumabang mag-isa para talunin ang kasalanan. Hindi mo rin kailangang maging alipin ng adiksyon. Nais ng Diyos na mamuhay ka sa totoong kalayaan. Gusto ng Diyos na mapuno ang buhay mo ng Kanyang pag-ibig, kasiyahan at kapayapaan. Ang lahat ng ito ay nagmumula sa Kanyang Espiritu na nananahan sa’yo.
Isang bagay na dapat mong malaman: Ibibigay ng Diyos ang Banal na Espiritu ng libre kapag tayo’y humingi.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)
2 COMMENTS
Isang napakagandang pagpapaliwanag ukol sa Espiritu Santo
Praise God! Maraming salamat po! 🙂