

Higit pa sa kung sinuman sa mundong ito, naiintindihan ka ni Jesus sa pakiramdam na ito. Noong Siya ay nasa krus, dala ang bigat ng ating mga kasalanan, umiyak Siya ng matindi, “Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?”
Naiintindihan ng Diyos ang ating pagiging tao, dahil kahit na Siya’y Diyos, nagkatawang tao rin Siya.
Maaaring ganoon din ang pakiramdam mo na mag-isa ka, walang nagmamahal sa’yo, o kaya kinalimutan ka ng lahat.
Maaaring pakiramdam mo, wala ka nang pag-asa. Baka hindi mo rin nakikita kung may liwanag pa na naghihintay sa’yo. Kung ganito ang sitwasyon mo, gusto ng Diyos na malaman mo na may dakila Siyang plano para sa kinabukasan mo. Gusto Niyang bigyan ka ng panibagong pag-asa.
Ano mang sitwasyon ang mayroon ka, hindi ka nag-iisa. Hindi totoong walang nagmamahal sa’yo at hindi ka kinalimutan. Mahalaga ka kay Jesus at mahal ka Niya. Ipinangako Niyang kapag tayo’y parte ng pamilya Niya–anuman ang mangyari–palagian natin Siyang kasama.
Hindi naman lahat ng bagay na gusto natin ay nangyayari. Maraming bagay ay wala sa ating kontrol. Ang kaya lang nating i-control ay kung paano tayo tumugon. Maaari nating piliing tumakbo papalapit kay Jesus upang makasumpong ng kapahingahan at kapanatagan.
Tatakbo ka ba sa Kanya kung ikaw ay nalulungkot, nadi-discourage at depress?
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)