
Mata Para Makita
Kahit wala ka nang nakikita…
Isang gabi, nasunog ang isang bahay at napilitan ang isang batang lalaki na umakyat sa bubong upang makalabas. Ang tatay niya ay natakot para sa kanyang anak dahil lumalakas ang apoy at gumagrabe ang sitwasyon. Nasa labas ang tatay at sumigaw siya, “ANAK! Talon! Sasaluhin kita.” Kailangang tumalon ang anak para maligtas ang buhay nito. Pero natatakot ang bata at ayaw tumalon. Ang nakikita niya lamang ay ang apoy at ang makapal na usok. Patuloy na sumisigaw ang kanyang tatay: “ANAK! Talon! Sasaluhin kita.” Pero sinabi ng bata, “Tay, natatakot ako! Wala akong makita!” Sumagot ang ama, “Pero nakikita kita anak, at ‘yun ang mahalaga.”
Kung ikaw ang bata sa kwento, pipiliin mo bang tumalon kahit na wala kang nakikita?
Nakikita Ka Niya
Araw-araw, kinakaharap natin ang desisyong pagtiwalaan ang Diyos. Kahit na hindi natin nakikita ang Diyos sa ating pisikal na mata, nagtitiwala tayo sa isang Diyos na nakakakita sa atin. Kailangan piliin nating lumakad sa pananampalataya, hindi lamang sa kung anong nakikita natin.
Maaaring maraming bagay ang sumisira sa ating pananampalataya: personal na katanungan, pag-aalinlangan o pag-uusig mula sa ibang tao. Minsan ang ating pananampalataya ay pinapadaan sa apoy ng pagsubok. Kung ito’y mananatiling matatag, madadalisay ito na parang ginto.
Siya’y Mabuting Ama
Ang Diyos ay mabuting Ama sa atin. Alam Niya ang lahat ng ating pangangailangan, nauunawaan at minamahal Niya tayo ng buong-buo. Hindi Niya tayo binibigo. Lagi Niyang tinutupad ang Kanyang mga pangako sa atin. Hindi Niya tayo pinapabayaan kahit na kailan. Ipagkakatiwala mo ba ang buhay mo sa Kanya?
Tandaan mo: Kung pakiramdam mo ngayon hindi mo na nakikita kung saan ka pupunta o kung anong nangyayari, panatilihin mo ang iyong paningin kay Jesus. Hindi ka Niya pababayaan.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Ipakitang Siya’y mabuting Ama.
- Bigyan ka ng lakas ng loob na magtiwala sa Kanya ng buong-buo.
- Patnubayan ang iyong mga hakbang habang nananatili ang iyong mga mata sa Kanya.
Pag-isipan:
- Ano ang pumipigil sa akin upang pagtiwalaan ng buo ang Diyos?
- Bakit gusto ng Diyos na panatilihin ko ang paningin ko sa Kanya?
- Anong klaseng Ama ang Diyos?
Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
- Hebrews 12:1-2
- Hebrews 11:6
- 2 Corinthians 5:7
- 1 Peter 1:7
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)
Download
Download our free Bible lesson guide to study this topic further!
English

Tagalog
