

Ano ang istorya mo? Maglaan ka ng ilang minuto at isipin mo kung nasaan ka ngayon at pahalagahan kung ano ang ginawa ng Diyos para sa’yo. Lahat tayo ay may iba’t-ibang kwento sa buhay, pero isa lang ang hindi nagbabago: mabuti ang Diyos. Tapat Siya at palagi Siyang magiging tapat.
Inilabas Niya tayo sa pagkaka-alipin at binigyan ng bagong buhay. Binigyan Niya tayo ng kapangyarihan na mapagtagumpayan ang mga pagsubok. Siya ang ating pag-asa sa hinaharap.
Mamuhay ka sa totoong kalayaan na ibinibigay Niya sa’yo. Huwag ka ng bumalik sa pagkakabihag ng kasalanan. Sinabi ni Jesus, “Pinalaya kita, ngayon mamuhay kang malaya. Huwag ka ng mamuhay sa kasalanan at pagkakahatol! Ikaw ay napalaya na.”
Nilikha ka ng Diyos para sa isang layunin. Siya ay mabuting Diyos at mayroon Siyang napakagandang plano sa’yo. “Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na Niya tayo upang maging Kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo’y maging banal at walang kapintasan sa harap Niya.” (Efeso 1:4) Walang makapaghihiwalay sa pagmamahal Niya sa’yo.
Sinasabi sa Biblia na ang Diyos ay binabago tayo “palakas ng palakas”. Ibig sabihin nito ang istorya mo ay hindi pa tapos. Sinimulan Niya ang mabuting bagay sa’yo at Siya’y tapat na tatapusin din ito. Hindi ka Niya susukuan. Parating pa lamang ang pinaka-maganda.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)