Receiving God's gift

Tinanggap Mo Na Ba?

May kumakatok…

Isipin mo may kumakatok sa pintuan ng inyong bahay. Mayroon kang pagpipili na dapat gawin. Papansinin mo ba, paaalisin o papapasukin? Sa Biblia, sinabi ni Jesus na Siya ay kumakatok sa pintuan ng ating buhay. Nais Niyang pumasok at bigyan tayo ng libreng regalo ng buhay na walang hanggan, ngunit kailangan natin Siyang papasukin.

Papasukin mo ba Siya? 

Hindi Siya papasok kung ayaw natin o hindi Siya naimbitahan. Kung bubuksan natin ang pinto ng ating buhay at tatanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas, Siya’y papasok. Maaaring ang ilan ay mas piniling hindi Siya pansinin, talikuran Siya at tanggihan ang Kanyang regalo.

Ngunit, ang sinumang totoong naniwala at tumanggap kay Jesus, binigyan Niya ng pribilehiyo na maging anak ng DiyosIto ba ang gusto mo sa iyong buhay?

Tandaan mo: Hindi kayang magsinungaling ng Diyos. Ipinangako Niya na kung ating bubuksan ang pintuan ng ating puso at iimbitahan Siyang pumasok, Siya nga’y papasok!

Ang gusto Niyang gawin:

  • Ibigay sa’yo ang regalo na buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesus.
  • Pumasok sa iyong puso at maging Panginoon mo’t Tagapagligtas.
  • Kupkupin ka sa Kanyang pamilya at tawagin kang Kanyang sariling anak.

Pag-isipan:

  • Anong mangyayari sa atin kung taos-puso nating tatanggapin at paniniwalaan si Jesus?
  • Ano ang mas makapangyarihan sa ating buhay – ang kadiliman o kaliwanagan?
  • Ano ang ipinangako ni Jesus na Kanyang gagawin kung tatanggapin mo Siya bilang Tagapagligtas at Panginoon? (2 Corinto 5:17)
  • Anong mangyayari kung tatanggihan natin si Jesus?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Revelation 3:20
  • John 1:12-13
  • John 8:12
  • Romans 5:17
  • Ephesians 2:8-9

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Have You Received?
Size: 0.65 MB

Tagalog

Tinanggap Mo Na Ba?
Size: 0.64 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *