

Ang salitang “pagsuko” madalas ay tila ba nananawagan ng negatibong emosyon. Inaakala natin din natin na ang salitang “pagsuko” ay katumbas ng “pagkatalo” o “pagtalikod”.
However, maganda ang ibig sabihin ng “pagsuko” sa espirituwal. Ibig sabihin, ito ang pagpili na ibigay lahat kay Jesu-Cristo at gawin Siyang Hari at Panginoon ng ating buhay.
Sa praktikal, papaano ba ito? Ang ibig sabihin, wala ka na sa pwesto ng driver sa sasakyan ng iyong buhay. Ibig sabihin pinili mong pasakop sa Diyos sa iyong mga desisyon kung papaano ka mamumuhay. Ito ang pamumuhay ng naaayon sa Kanyang plano, hindi lang sa sarili mong gusto.
Alam ng Diyos ang gusto Niya at ang best para sa’yo.
Ipinangako Niyang maglalagay Siya ng mga maka-diyos na awtoridad (tulad ng mga magulang, church leaders at ng mga nasa gobyerno) sa ating buhay upang turuan tayo sa tama. Ang mga awtoridad ay hindi pahirap, ngunit sila’y inilagay ng Diyos upang tayo’y pagpalain. Inilagay sila ng Diyos upang tayo’y protektahan, gabayan, at manatili tayong ligtas.
Marami ang mga matitigas ang ulo at pinipilit na mamuhay ng hindi nakapasakop sa leadership ng Diyos. Ang masaklap, kinakailangan nilang humarap sa kahihinatnan ng hindi nila pagpapasakop, ngunit ito sana’y maaaring maiwasan.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)