

Naranasan mo na bang sobrang magutom?
Kapag wala tayong pagkain, talagang naaapektuhan tayo. Ang mga priority natin ay biglang nag-iiba. Ang paghahanap sa bagay na ito ang siya lamang nating naiisip at gustong gawin.
Halos lahat tayo ay kumakain ng tatlong beses isang araw, pero madalas nating nakakalimutan na kailangan nating pakainin ang ating espiritu.
Ang Salita ng Diyos ang pinakamasustansiyang pagkain na mayroon tayo.
Alam na ng maraming Christians ang katotohanang ito. Pero ang nakakagulat minsan? Hindi pa rin sila nagbabasa ng kanilang Bible araw-araw at nagtataka sila kung bakit nanghihina ang kanilang espiritu!
Dahil dito sila ay nanghihina, nawawalan ng pananampalataya, nakikipagtalo, nagiging mareklamo, mainggitin at seloso.
Sa isang sanggol, kailangang consistent ang araw-araw na nutrisyon para lumaking malakas at healthy. Ganun din sa’yo.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)