Anong Klaseng Buhay?

Anong Klaseng Buhay?

Nakakamangha…

Nakakamangha ang prutas. Malasa, matamis at masarap.

Pero ang prutas ay ‘di naman lumabas na lang bigla pagkatapos ng isang gabi. Bagkus, ito’y nagmula sa isang buto. Naitanim sa magandang lupa, nadiligan ng sapat na tubig, naarawan para ma-develop, at lumaki na maaaring magbigay ng prutas.

Ang “fruit-bearing” ay normal na pangyayari sa buhay ng isang puno ng prutas.

Gawin natin itong personal.

Kung tayo’y parang isang puno at gusto nating magkaroon ng bunga, dapat nating alalahanin na tayo’y maging tapat. Ang pagiging mabunga ay resulta ng katapatan at pananatiling connected kay Jesus. Nilinaw ng Panginoon na hindi tayo makakapamunga kung tayo’y hiwalay sa Kanya.

Huwag mawalan ng pasensya sa development process at basta na lang mag-give-up. Pinangako ng Bible na magkakaroon tayo ng bunga ng Banal na Espiritu, (tulad ng pag-ibig, kagalakan at kapayapaan) kung tayo’y mananatili sa pinagmumulan ng mga ito–sa Panginoong Jesu-Cristo.

Tandaan mo: Ang magandang bunga na gusto mong makita sa iyong buhay ay mangyayari lamang kung mananatili kang connected kay Jesus.

Ang gusto ng Diyos para sa'yo:

  • I-develop ka tulad ng isang puno na nagbubunga ng mabuti
  • Na manatili kang connected sa Kanya, ang iyong source
  • Gawing inspirasyon at pagpapala ka sa iba.

Pag-isipan:

  • Anong klaseng bunga ang mayroon ako?
  • Nananatili ba akong konektado kay Jesus? 
  • Mayroon bang parte ng buhay ko na hindi mabunga? Kung oo, bakit? 

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Luke 6:43-44
  • John 15:4-7
  • John 15:16
  • Galatians 5:22-23

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

What Kind of Life?
Size: 0.65 MB

Tagalog

Anong Klaseng Buhay?
Size: 0.58 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *