

May nasira ka na bang napakahalaga sa’yo? Sinubukan mo ba itong ayusin gamit ang superglue? Napakahirap na mabuo ulit, ‘di ba? Napakasimple ‘ng ilustrasyon, pero in the same way, ang tao ay nasira dahil sa kasalanan, at hindi na mabuo ulit, anuman ang gawin natin.
Hindi tayo “maaayos” ng sinumang doctor, pastor o psychiatrist… maliban na gawin tayong bago ni Cristo. Sa pagpasok Niya sa ating buhay, binabago Niya ang lahat ng bagay.
Katulad ng pagsilang ng bata sa natural, tayo din ay kailangang munang maranasan ang muling pagsilang sa espiritu, upang makaranas ng bagong buhay na ito.
Kapag ating pinagsisihan ang ating mga kasalanan, tayo’y bibigyan ng Diyos ng bago at tamang espiritu. Sa aklat ng mga Awit, nanalangin si Haring David, “Isang pusong tapat sa aki’y likhain, bigyan Mo, O Diyos, ng bagong damdamin.”
Binabago ng Banal na Espiritu ang ating ugali, at ang ating pamumuhay ay umaayon sa nais ng banal na Diyos. Nais Niya tayong tulungang mamuhay sa ating bagong buhay kay Cristo, ayon sa Kanyang disenyo para sa atin.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)