

Isipin mo kunwari na, ikaw ay nasa loob ng isang operating room at sasailalim sa operasyon sa puso. Napakaseryoso ng kondisyon mo at sinabi ng doktor na kung hindi magkakaroon ng heart transplant ay walang chance na mabubuhay ka. Hinanda mo ang sarili mo at naghihintay na lamang para sa operation, pero nang dumating ang doktor napagdesisyunan mong dapat ikaw ang mamahala. Sinabi mong: “Okay Dok, ito ‘yung mga rules ko: Alam kong kailangan ko ng heart transplant, pero ayokong ikaw ang gumawa. Kaya ko namang palitan ang sarili kong puso.” Palagay mo? Ano kayang reaksyon ng mga doktor at nurse?
Ironically, sa espirituwal na buhay, parang ganun ang turing natin kay Jesus. Alam naman nating meron tayong seryosong mga isyu sa puso natin, ngunit imbes na lumapit sa Diyos (pinaka the best na doktor), tina-try nating ‘ayusin’ ang sarili nating puso. Tapos nagtataka tayo kung bakit mayroon pa rin tayong problema. Sa totoo lang, ang Diyos lang ang kayang magtanggal ng isang pusong matigas at kayang magbigay ng pusong sariwa – pusong bukal sa loob ang pagsunod sa Kanya.
Kahit ano pa man ang pinagdaraanan mo ngayon, piliin mong lumapit kay Jesus. Siya ang Diyos na magaling sa miracles. Hingin mo sa Kanya ang bago at malinis na puso na talagang bukal sa loob na sumusunod sa Kanya.
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)