03 Thumbnail

Pumili Ka

Patungo saan?

Itinuro ni Jesus ang patungkol sa dalawang daan – ang isa’y patungo sa buhay, at ang isa nama’y patungo sa kamatayan at walang hanggang kapahamakan. Araw-araw tayong kumakaharap sa mga pagpapasiya. 

Ano kaya ang pipiliin natin? Ang mga maliliit na pagpipiling ito ay mahalaga dahil lahat ay may kahihinatnan.  At ang bawat isa sa atin ay responsable sa kanyang sariling mga desisyon. 

Nasa Sa Iyo!

Darating ang araw na magbibigay-sulit tayo sa Diyos, ang ating Manlilikha, sa lahat na ginawa natin sa buhay na ito.  Gusto mo bang mamuhay ng tama at lumakad sa daan ng buhay? Tinuturo ng Biblia na si Jesus ang DAAN, ang Katotohanan, at ang Buhay. 

Piliin nating Siyang tanggapin at mamuhay tayo sa paraang nais Niya. Alam mo? Hindi tayo pababayaan ni Jesus. Siya mismo ay tutulong sa atin na pumili ng tama upang maranasan natin ang tunay na kalayaan. 

Ang ating huling destinasyon ang nakataya sa mga desisyong ito. Piliin natin ang buhay! 

Tandaan mo: Nasa sa iyo ang piliing isuko ang buhay kay Jesus at lumakad sa daan ng kalayaan.

Ang gusto Niyang gawin:

  • Bigyan ka ng tunay na buhay, kinabukasan at pag-asa.
  • Palakasin ka upang gumawa ng mga tamang pagpipili araw-araw
  • Ipakita sa iyo ang pinakamainam na daan para sa iyong buhay.

Pag-isipan:

  • Paano inilarawan ni Jesus ang dalawang daan?
  • Handa ka bang piliin ang daan ng buhay ng may buong puso?
  • Ano ang ilang paraan na ginagawa ng tao upang hanapin ang buhay at kasiyahan?
  • Mayroon bang ibang daan patungo sa buhay, maliban kay Jesus?
  • Kailan ang tamang oras para pumili?

Hayaang mangusap sa'yo ang Diyos:

Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.

  • Matthew 7:13-14
  • John 14:6
  • Acts 4:12
  • Joshua 24:15
  • 2 Corinthians 6:2
  • Romans 6:23          

(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)

Download

Download our free Bible lesson guide to study this topic further!

English

Choose
Size: 0.65 MB

Tagalog

Pumili Ka
Size: 0.64 MB
Know someone who needs to hear this?
Light Brings Freedom
Light Brings Freedom is a ministry started by missionaries Daniel & Colleen Jaquith in January 2018. This video discipleship curriculum is produced by Bridge to the Islands & Nations Ministries, Inc. based in Tarlac City, Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *