

Madalas hindi ka “close” sa isang tao agad-agad. Para mas makilala mo siya, kinakailangang dumaan muna sa isang proseso. Sa paglalaan mo ng oras sa kanila, nalalaman mo ang gusto nila at mga hindi nila gusto. Habang nade-develop ang relationship, mas nauunawaan mo kung anong klaseng tao sila.
Ito ang bottom line: Hindi puwedeng lumago ang isang relationship nang walang effort. May mga bagay kasi na kailangan mong gawin para mas makilala ang isang tao. Kinakailangan mong magdesisyon na mag-invest sa relationship, na maglaan ng oras, na makinig at makipag-usap sa kanila. Sa isang relationship laging may effort.
Ganun din ang relasyon kay Jesus. Nakakalungkot na ‘pag minsan minamaliit natin ang pagkilala sa Kanya. Masyado tayong nagiging busy sa ating trabaho, pag-aaral, o kaya sa mga demand sa pamilya at sa ministry.
Huwag mong hayaang ang mga mabubuting bagay ay matalo ng pinakamahalagang bagay–ang pagkilala kay Jesus.
Kumpara sa mga bagay na ginagawa natin, ang pagdevelop ng relationship kay Jesus ay tunay na mas mahalaga. Ayaw nating pagdating natin sa gate sa langit maririnig natin Siyang sinasabi na, “Lumayo ka sa Akin, hindi kita kilala!”
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
(Hover your mouse over the references to see the verses pop up)